Round-about (or Rotonda) Instead of the Dangerous U-TURNs

Go down

Round-about (or Rotonda) Instead of the Dangerous U-TURNs

Post by MandM on Tue Jul 27, 2010 12:25 pm

Dear MMDA Chairman,

Bakit hindi natin gawing International Standars ang ating TRaffic Rules? I am now abroad here in Europe. Dito maayos ang traffic. Kumpleto ang mga road markings at signages to guide road users of the road conditions ahead. Ilang metro pa lang (usually 150 meters) before the change of road condition, (like if the road ahead is curving or getting narrowed, or approaching pedestrian crossing) ay may properly sized warning signages na at appropriate speed signs. At dito sa Europe ay limitado ang paggamit ng U-Turns dahil nga mas delikado sa mga motorista kaya mas marami dito ang ROTONDA kapalit ng cross intersection. Basta tama ang paggamit ng right of way dahil sa Rotonda, may priority yung manggagaling sa kaliwa, at kailangan magsignal right kung palabas na sa Rotonda para alam nuong papasok na motorista kung pwede na siya. Magandang sigurong mabasa ninyo ang Manual na 'EASY DRIVING'. May Manual Guide at CD. Yan ang inaral ko bago ang Theory Exam ko dito. At Naipasa ko ng mahusay ang aking Practical Test na talagang mahigpit. Dito kasi hindi sapat na kaya mong paandarin ang sasakyan. Driving is WATCHING What is Ahead. Importante ang Perception at Preparation para magawa ng isang driver ang nararapat depende sa kung ano ang kondisyon sa harap ng kalye. Sana ay magawa nating Safe ang ating kalye at hindi araw-araw ay may mga inosenteng nadadamay. Maraming Salamat po lalo na kung maalis na yang mga dangerous U-Turns na wala naman talagang mabuting dulot bagkus ay hazardous pa. Mabuhay po sa inyong lahat!

MandM

Posts : 3
Join date : 2010-07-27

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum