WARNING!!! FOOTBRIDGE AT BICUTAN INTERCHANGE (SM Bicutan to DOST) -

Go down

WARNING!!! FOOTBRIDGE AT BICUTAN INTERCHANGE (SM Bicutan to DOST) -

Post by aina on Sun Jul 11, 2010 6:27 pm

Marami na akong insidenteng narinig tungkol sa bicutan footbridge na ito... at sa lahat ng iyon ay nakakatakot... naway di mangyari sa akin... Di nga nangyari sa akin pero isa sa aking kapamilya ay nakaranas ng holdap sa footbridge na yon...
July 5, 2010... between 6:30pm - 7:00pm - bigla na lang inakbayan ang aking kapamilya ng isa sa dalawang di kilalang lalaki at binulungan na sumunod ka lang at wag mong ipahalata na di mo kami kilala, kinuha ang kanyang bag, medyo mahirap buksan ang bag kaya nagsalita yung isa na pag di mo pa binuksan yang bag mo, ibaba ka namin at isasakay sa motorsiklo, sa sobrang takot ang aking kapamilya na mismo ang nagbukas ng bag at ng mabuksan at makita ang isang bagay na maaari nilang pakinabangan ay nagtakbuhan na lang ang dalawang lalaki...

Kung iisipin, maaga pa ang 6:30pm - 7:00pm ng mangyari yun... bakit malakas ang loob ng mga taong yun...
- may mga poste ng ilaw pero walang mga ilaw (bulb) (maaring ninakaw na din dahil nakita ko pa nung bago pa lang ang footbridge na may ilaw yun)

- wala na ding linya (electric wire) ng mga ilaw or talagang display lang ba ang mga poste ng ilaw na yun

- at wala man lang malapit na pwedeng hingan ng tulong na mga kinauukulan...

- huling inayos at pinintahan ang footbridge nung panahon ng eleksyon... at ngayon ay wala na ulit nagma-maintain..

Nakikiusap po ako sa mga kinauukulan kung maaari nyo pong gawan ng paraan ang mga problemang ito sa bicutan footbridge...

Marami pong salamat..

aina

Posts : 1
Join date : 2010-07-11

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum