smoking ban

Go down

smoking ban

Post by danman455 on Fri Jun 04, 2010 9:31 pm

maganda din iyang smoking ban na yan. pero mukhang tinapat naman sa nalalapit na pag-upo ng nanalong bagong presidente ng bansa na kilalang naninigarilyo. mukha yatang nanininirya na at kabado na ang mga taga MMDA na baka masilip ang kanilang mga kabulastugan.
sana naman, sa halip na bigyan nila ng importansiya ang mga smoking-smoking na yan, unahin nilang supilin ang mga tauhan nilang mga "MAGNANAKAW". MAGNANAKAW sa gobyerno at sa mga mamamayan sa pamamagitan ng mga "HULIDAP", "TOWING KUNO", "LAGAY-LAGAY SYSTEM". Wag ninyong sasabihin na hindi totoo ang mga sinasabi kong ito hanggang wala akong pinakikitang ebidensiya dahil alam na alam ng PANGINOONG DIYOS na alam na alam ninyo ang mga sinasabi ko na tunay namang mga gawain ng mga tauhan ninyo. sa katunayan nga, madalas nga pinapalabas sa GMA 7 24 ORAS mga tauhan ninyo na nahuhuli. suki din sila sa IMBESTIGADOR.
mga naturingang expert sa pag-aayos ng mga trapiko mga "AMO-AMO" diyan sa MMDA pero wala namang magawa sa pagpapaganda ng trapiko. i-report mo man ang mga tiwaling tauhan ng MMDA, wala ding mangyayari at pagtalikod ng mga nagre-reklamo ay magtatawanan pa sila at aabisuhan ang inireklamong tauhan na mag-lay low muna. iyang smoking-smoking ban na iyan ay magagamit na naman para makotongan ang mga mamamayan. para ding mga traffic enforcer na sa halip na mag-conduct ng trapiko ay mga nakatago sa puno-puno o poste-poste at naghihintay ng mga magkakamaling driver at saka kokotongan. pero nagkalat naman ang mga kaibigan nilang mga public transport driver na puro violation pero hindi hinuhuli. siguro ay may timbre na kasi.
pasensiya na kayo kung ganyan ang tingin ng taong-bayan sa inyo dahil iyan naman talaga ang nakikita ng mga taong bayan.... hay naku.....

danman455

Posts : 5
Join date : 2010-06-04

Back to top Go down

Back to top

- Similar topics

 
Permissions in this forum:
You cannot reply to topics in this forum